Buhay Commuter (Train Version)

Gigising ng alas-singko

Bibili ng biskwit sa kanto

Pipila sa MRT

Nakasimangot ang katabi

Mag-aabang ng tren

Sa wakas, dumating din

Itutulak o mangtutulak

Ang sarap manapak

Yung totoo?

May aircon ba to?

Pawis na pawis na ko

Q. Ave pa lang tayo

Ang dami nang tao

Alas-siyete trenta

Bababa sa Ayala

Maglalakad isang kilometro

Shet, basa na polo ko

Pagdating sa opisina

Pagod na pagod na

Buti hindi late

Nauna kay officemate

Pati si boss, wala pa

Facebook muna.