Mga kuha sa iniwan kong kuwarto. Dalawa sa napakaraming litrato sa cellphone ko. Marami akong kuha ng view sa labas kasi kahit kailan hindi ata ako nagsawa. Lalo na yung pagabi na. Napakaganda.

Siyam na buwan akong kinupkop ng kuwartong ‘to. Marami akong itinulog, iniyak, isinulat at inisip dito. Nakita niya kong kinikilig, nakita akong umibig. Nasubaybayan ang ating pag-uusap. Mga sandaling puno ng sabik. Kaunting halik. Yakap. Pero mas maraming oras ang mahirap. May mga araw na masaklap.

Pagbalik, maninibago sa bagong kuwarto. Maiisip yung luma. Yung nakasanayan. Yung minahal nang lubusan. Pero kailangang kalimutan. Susubukan.

Polaroid Possibilities (a.k.a. me trying to be poetic while missing you and failing miserably)

I regret not taking photographs of:

You sitting cross-legged on the floor of your living room

going over the videos on your computer.

You sitting cross-legged on the floor of your living room

mumbling to yourself.

You in bed, sleeping peacefully,

facing the wall,

with just your messy hair,

pale shoulders and upper back

in view.

Your sleepy, gorgeous, sexy morning face.

That moment when you got out of bed to check your phone

and that fucking attractive dimple of yours

decided to show itself.

You staring out of my living room window.

You looking up at the sky tower.

You intently checking out the artworks in the art gallery,

jacket on one arm.

You sitting on that bench,

waiting for me to alight the bus on that windy, and colder than usual, Wellington morning.

You walking closer to me,

greeting me with a hug, as I said something about the cold weather.

Boy, you would have made the perfect subject.

Shitty Poetry Sunday

Nanliliit ako.
Araw-araw ganito.
Minsan naiisip kong tumalon sa bintana pero maliit lang yung “slit” ng bintana sa kwarto.
Di ako kasya kahit maliit at nanliliit ako.
Di ko alam kung malala na ‘to.
Siguro.

Piha

Kung san dapat tayo pupunta
Kaso lang nang-iwan ka

Kaya ito
Di na ko tumigil kakaisip sa ‘yo

Buhay Commuter (Train Version)

Gigising ng alas-singko

Bibili ng biskwit sa kanto

Pipila sa MRT

Nakasimangot ang katabi

Mag-aabang ng tren

Sa wakas, dumating din

Itutulak o mangtutulak

Ang sarap manapak

Yung totoo?

May aircon ba to?

Pawis na pawis na ko

Q. Ave pa lang tayo

Ang dami nang tao

Alas-siyete trenta

Bababa sa Ayala

Maglalakad isang kilometro

Shet, basa na polo ko

Pagdating sa opisina

Pagod na pagod na

Buti hindi late

Nauna kay officemate

Pati si boss, wala pa

Facebook muna.